Ang "Labels" ay parang category ng blog post mo. Sa pamamagitan ng Labels, maisasa-ayos mo ang mga blog posts mo. Kunwari, isa sa mga user mo ay nag-click sa isang Labels, lahat ng blog posts na kabilang sa label na yun ay lalabas. Sa Wordpress blog, ang katumbas nito ay Category at Tags.
Paano Gamitin ng maayos ang Labels sa isang Blog Post?
Maglagay lamang ng 3 labels sa bawat blog post. Sa isang label, gumamit lang ng 3 salita o 3 words. Halimbawa:Blog post title: Paano Kumita ng Pera?
Labels: Pera, Kumita ng Pera, Financial
Blog post title: Paano Gumawa ng Spaghetti?
Labels: Pagluluto, Pasta, Dinner
Para saan ba ang Labels? Makaktulong ba ito sa Search Engine Optimization (SEO)?
Ang Labels ay para sa navigation ng users lang. Hindi ito makakatulong sa search engine rankings ng website mo.Paano maglagay ng Labels sa Blog post?
1. Sa Post Settings ng Post Editor, i-click ang "Labels".2. I-type ang mga Labels sa box at i-click ang "Done" button pagkatapos. Tandaan na gumamit ng comma (,) pagkatapos ng isang label. Maglagay lamang ng 3 labels sa isang blog post.
3. Pagkatapos mo maglagay ng labels, i-click ang "Update" or "Publish" button.
No comments:
Post a Comment