Paano nga ba gumawa ng blog? Madali lang, sundan nyo lang ang simpleng steps na ginawa ko para makagawa ng libreng blog.
Bago ka magsimula, kailangan tanungin mo muna ang sarili mo kung ano ang dahilan mo kung bakit ka gagawa ng blog? Maraming rason kung bakit makakabuti sayo o sa business mo ang paggawa ng isang blog.
Bago ka magsimula, kailangan tanungin mo muna ang sarili mo kung ano ang dahilan mo kung bakit ka gagawa ng blog? Maraming rason kung bakit makakabuti sayo o sa business mo ang paggawa ng isang blog.
Step 1: Gumawa ng Account
Pumunta sa Blogger website (https://www.blogger.com/) at mag-login gamit ang Google account. Pwede ka gumamit ng existing Google account o mag-sign-up ng bago. Mas recommended ko na mag-sign-up ka ng bagong Google account.Step 2: Gumawa ng Blog
1. Pagkatapos gumawa ng Google account, ma-reredirect ka sa Blogger Account Dashboard. I-click mo yung "Create a New Blog" na button.
2. Ilagay mo ang gusto mong "Title, Address at Theme" ng blog mo. Pagkatapos nun, i-click ang "Create blog!" na button.
Ang "Title" na ilalagay mo ay ang magiging title ng Blog mo.
Ang "Address" ay ang magiging sub-domain ng blog mo na part ng URL. Example: http://paanogumawangblog.blogspot.com
Ang "Theme" ay ang magiging design or itsura ng blog mo.
Step 3: Gumawa ng Blog Post
1. Sa Blogger Dashboard, i-click ang "Create a New Post" button.
2. Sa Post Editor, mailalagay o ma-eedit mo ang Post Title, Post Content, at Post Settings.
3. Maglagay ng Post Title. Example: "Welcome to my Blog".
4. Maglagay ng message sa "Compose Editor".
5. Pagkatapos mo maglagay ng content o message, i-click mo ang "Publish" button. Kung gusto mo muna i-check kung maayos ang ginawa mo, i-click mo ang "Preview" button.
Step 4: View Blog
I-click mo ang "View Blog" na link para makita ang itsura ng blog mo.
Thank you for sharing your thoughts
ReplyDeletemarami talagang matulungan ang post na ito, salamat po idol. sa mga natutu na po dito you can visit my page po para sa dagdag information, Paanu pagandahing ang website or blog sa blogger
ReplyDelete