Paano Gumawa ng Mahusay na About Page?

Ang About page ay isa sa mga pinaka-importanteng part ng website o blog mo. Dito pumupunta ang mga visitors mo para malaman kung sino ang tao o mga tao sa likod ng blog na ito.

Ang unang step ay dapat marunong kang gumawa ng "Page" sa Blogger. Narito ang blog post tungkol sa paggawa ng Page.

Upang makagawa ng magandang About page, kelangan mong sagutin ang mga tanong na "Sino? Ano? at Bakit?".


Sino? - Sino ang administrator ng blog mo. Maaring mag-isa ka lang o isang grupo kayo. Kung maari, lagyan ito ng profile picture.  Sa ganitong paraan, magkakaroon ng tiwala ang iyong mga readers.

Ano? - Ano ang mai-shashare mo sa mga readers mo. Magbigay ka ng dahilan kung bakit nila susundan at babalik balikan ang blog mo.

Bakit? - Bakit mo ginawa ang blog na ito? Ilagay mo dito ang purpose ng blog mo. Maaring ginawa mo ang blog na ito para makatulong sa iba at makatulong din sa sarili mo.

Maari mo ring ilagay ang mga ito:
  • Links ng importanteng blog post 
  • Links ng favorite o popular na blog post
  • History ng website o blog mo.
  • Achievements and Future Goals
  • Services na pwede mong gawin
  • Social Media accounts

Kayo? May mai-susuggest ba kayo para sa paggawa ng malupit na About page? Happy Blogging!

No comments:

Post a Comment