Paano Gumawa ng Page sa Blogger?

Pagkatapos mo gumawa ng blog at blog posts, kailangan mo gumawa ng "Pages". Para saan ba ang "Pages"? Ito ay para sa mga static content or static pages mo. Ang mga halimbawa ay ang About page, Contact page, at Privacy Policy page.

Alamin ang pagkakaiba ng Posts sa Pages sa blog post na ito.

Narito ang mga steps kung paano gumawa ng Page sa Blogger:
1. Sa Blogger Dashboard, pumunta sa "Pages" section.
2. Pagkatapos, i-click ang "New Page" button.


2. Mag-isip ng maganda title at ilagay sa Page Title.


3. Ilagay ang Page Content sa Page Editor.


4. Maari mong i-customize ang iyong Page Content sa paggamit ng Toolbar sa Page Editor.


Sa Page Editor, maari mong gawin ang mga sumusunod:

  • Gawing bolditalic underline ang text.
  • Palitan ang kulay ng text at background nito.
  • Maglagay ng link, images, video at special characters.
  • Baguhin ang alignment at gumamit ng numbered list o bulleted list.
  • Meron din itong Spelling Checker
6. Click ang "Preview" button para makita ang iyong ginawa.
7. Kapag okay na, bumalik sa Page Editor at i-click ang "Publish" button.


No comments:

Post a Comment